Hindi pa kailangang umapela ng international aid o tulong mula sa international community para sa mga residenteng apektado ng magkasunod na lindol sa Mindanao.
Ipinabatid ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na sapat ang pondo at supplies ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.
Ang DSWD at OCD ang nakatoka sa pamamahagi ng relief goods habang ang Department of Health o DOH ang siyang titiyak na hindi kakalat ang sakit sa mga lugar na matinding napinsala dahil sa lindol.
Ipinabatid pa ni Jalad na nasa 41,000 family food packs na ang naipamahagi nila sa mga lalawigan ng North Cotabato, Davao Del Sur at mga karatig na lugar. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)