Naitala ang ikaapat na kaso ng polio sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos ang isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at ng National Institute of Infectious Diseases-Japan.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang DOH hinggil sa panibagong kaso ng polio.
Magugunitang, nuong Setyembre idineklara ang outbreak ng polio sa Pilipinas matapos ang halos dalawang dekada.