Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na may pagkukulang sila kung bakit hindi napaparusahan ang mga drivers na nai -isyuhan ng citation tickets.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nasa MMDA ang database ng mga violators kaya’t dapat sila ay kumilos at nagbigay ng listahan nito sa LTO.
Sa ngayon, ay naisumite na ng MMDA ang listahan ng mga pasaway na drivers sa LTO.
Ilan di umano sa mga ito ay natiketan pa ng paglabag noong 2006 pero nakakapagmaneho pa rin hanggang ngayon.