Tila hindi kumikilos sa kinalalagyan nito ang tropical storm Quiel.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 435 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.
Inaasahan naman ang paglakas pa ng bagyo hanggang sa maging ganap na severe tropical storm sa loob ng 24 oras.
Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado, Nobyembre 9.