Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Quezon province dakong 4:52 a.m. ngayong Huwebes, Nobyembre 7.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 36 kilometro hilagang-silangan ng Jomalig sa probinsya ng Quezon at may lalim itong 13 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa bayan ng Guinayangan ng nasabing probinsya.
Naramdaman din ang Intensity II sa Marikina City, Navotas City, at Quezon City; at Intensity I naman sa Muntinlupa City.
Nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng makaranas ng aftershocks ang lugar.