Welcome sa Dangerous Drug Board (DDB) ang ginawang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang bagong drug czar ng administrasyon.
Ayon kay DBB Chairman Catalino Cuy, una pa lamang na lumabas ang report hinggil sa alok ng Pangulo, nagpahayag na ang kanilang ahensya ng suporta sa oras na tanggapin ito ni Robredo.
Antimano noong na balita na yun nga may may offer na ganun si Presidente kay Vice President Robredo, ang DBB naman, nagsabi na kami na we welcome atsaka in the event na inaccept ni Vice President yung position, the Dangerous Drugs Board will fully provide assistance and support doon sa capacity as co-chair sa ICAD,” ani Cuy.
Paliwanag pa ni Cuy, bukas sila sa mga ideya na ilalatag ng Bise Presidente lalo na kung ito ay makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang mga polisiya at estratehiya.
Aniya, nasa working progress sila kaya’t kung mayroong naaangkop na suhestyon si Robredo ay posible nila itong i-adapt.
Yung ating strategy at policy naman work in progress ‘yan, kung may magandang ano why not i-adapt natin hindi perfect ‘yan, it has to be improved,” ani Cuy. — sa panayam ng Ratsada Balita.