Tumaas ng halos 400% ang bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa Bicol Region ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon sa Bicol Center for Health Development, naitala ang 1,300 ang kaso ng tigdas ngayong taon kumpara sa 288 lamang noong 2018.
Mula sa naturang bilang, 17 sa mga ito ang nasawi dahil sa tigdas mula Enero 1 hanggang Oktubre 26 ngayong taon.