Posibleng umabot hanggang sa susunod na taon ang krisis sa tubig na nararanasan sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Atmosperic Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi sapat ang ulan hanggang Disyembre para mapuno ang Angat dam.
Pinangangambahan din ng weather bureau ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa dam hanggang sa katapusan ng Enero sa susunod na taon.
Patuloy pa rin ang pagpapagawa ng mga water treatment plant para mapunan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.