Umabot na sa higit P13-M ang naitalang halaga ng pinsala sa agrikultura na dulot ng sunod-sunod na pagyanig sa ilang lugar mindanao.
Ayon sa report ng Department of Agriculture – Disasater Risk Reduction Management (DA-DRRM), kabilang sa mga naitalang naapektuhan ng lindol sa Cotabato at Davao Del Sur ang mga irigasyon, research experiment station, diversion dams, cold storage at iba pa.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang distribusyon ng DA ng mga relief goods sa mga nasalanta ng lindol.