Nakaambang tumaas ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, 47 sentimo kada kilowatt hour ang itataas sa presyo ng kuryente ngayong Nobyembre.
Katumbas ito ng 94 na pisong dagdag kung kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Paliwanag ng Meralco, nagmahal ang kuryente sa spot market kaya kailangan nila magtaas ng singil.
Dalawag beses din itinaas ang yellow alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.