Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 63 katao mula sa lumubog na barko sa Sibonga, Cebu.
Ayon kay PCG spokesperson Captain Armand Balilo, lumubog ang MV Siargao Princess dahil sa malalakas na alon matapos lisanin ang Loon, Bohol.
Agad namang nailigtas ng rescue team ang 53 pasahero at 10 na crew.