Napanatili ng severe tropical storm Quiel ang lakas nito habang nananatili sa ibabaw ng West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 325 limang kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometro kada oras.
Inaasahan pang lalakas ito at magiging typhoon sa loob ng 24 oras habang mababa pa rin ang tyansang tumamama sa kalupaan ng bansa.
Bukas, Nobyembre 9, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.