Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P4.2-million na halaga ng pinuslit na sigarilyo sa pantalan sa Zamboanga.
Batay sa press release na inilabas kahapon ng Customs, nasa 143 kahon at 40 reams ng Bravo Red cigarettes ang kanilang nakumpiska.
Isasailalim sa inventory at proper disposition ang mga smuggled na sigarilyo na mula umano sa Malaysia.
Naaresto naman ang mga suspek na sangkot sa pagpupuslit ng naturang mga sigarilyo.