Tatlumpu’t isa (31) katao ang isinugod sa ospital matapos umanong tamaan ng cholera outbreak ang isang barangay sa bayan ng tantangan sa south cotabato.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Renato Ureta, ginagamot pa rin sa provincial hospital ang 21 sa mga biktima na nakaramdam ng sintomas ng cholera tulad ng pagtatae at panghihina ng katawan.
Sinabi ni Ureta na posibleng kontaminado ang tubig na nainom ng mga tao sa komunidad dahilan upang magkasakit ang mga ito.
Hindi naman inaalis ni Ureta ang posibilidad na nabiktima ang mga ito ng food poisoning.
By Jelbert Perdez