Pormal na binuksan ni Vice President Leni Robredo ang kauna- unahang pulong nito sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal drugs.
Sa kaniyang opening statement, sinabi ni VP Leni na bagamat magkakaiba ang istratehiya, iisa lamang ang kanilang layunin.
Ito ay ang ganap nang mabura ang banta ng illegal drugs sa bansa.
Aniya,hindi ang mga kababayan natin ang kalaban kundi ang drug menace.
Bago ang pulong, nagkaroon muna ng sarilininang pakikipag usap si robredo kay PDEA Director Aaron Aquino kung saan hinihingi niya ang datus sa laban sa kontra sa illegal na droga.
Kabilang sa mga dumalo ay sina DILG Secretary Eduardo Año, PNP OIC Chief Archie Gamboa, Dangerous Drugs Board Chair Catalino Cuy.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)