Naramdaman ang magkasunod na lindol sa Eastern Samar at Sultan Kudarat kahapon, Nobyembre 8.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS), naitala ang 5.1 magnitude na lindol bandang 1:30 ng hapon sa layong 33 kilometro sa kanlurang bahagi ng Guiuan at may lalim na 3 kilometro.
Makalipas naman ang 7 minuto ay tumama naman ang lindol sa silangang bahagi ng Columbio at may lakas na magnitude 4.1.
Inaasahan namang makakaramdam ng aftershocks matapos ang dalawang lindol.