Mahigit 40 mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police–Civil Security Group ang sinibak sa pwesto dahil sa korupsiyon.
Ayon kay PNP–CSG head Brig. Gen. Roberto Fajardo, lumabas ang dismissal order laban sa naturang mga opisyal at non–uniformed employees nuong November 7.
Aniya, sa sobrang talamak ng korupsiyon sa PNP – CSG ay binibigyan na ng acronym ang PNP bilang pulis na pixer habang ang NUP ay Non–Uniformed Pixer.
Batay sa mga reklamo ay nangyayari ang lagayan sa loob ng Camp Crame, sa restaurant at fast food sa labas ng kampo.
Aniya, alinsunod pa rin ito sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga korup sa gobyerno.