Walang nakikitang problema ang Malakaniyang sakaling makipagpulong si Vice President Leni Robredo sa iba’t-ibang opisyal ng Estados Unidos at United Nations.
Ayon kay Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, wala namang itinatago ang pamahalaan sa mga datos nito at bukas naman aniya ito sa publiko.
Dahil dito, pinawi ni Panelo ang pangamba na posibleng samantalahin ni Robredo ang intellegence access nito hinggil sa war on drugs para palakasin ang reklamong crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod nito, muling iginiit ni Panelo na makabubuting hayaan na munang makapagtrabaho si Robredo bilang anti-drug czar ng pamahalaan gamit ang sarili nitong diskarte.