Gabundok na mga basura ang bumungad kay Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang suspresang pag-iikot sa Divisoria, ngayong umaga ng Lunes.
Lubhang ikinadismaya ni Mayor Isko nang maabutan niya ang sandamakmak na mga basura sa Divisoria lalo na sa bahagi ng Ylaya Street (Binondo side).
Mayor @IskoMoreno: Hindi ba kayo nahihiya o talagang baboy kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh. Wala, walang kusa.#AlertoManileno pic.twitter.com/1GmFnS3BFl
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) November 10, 2019
Karamihan sa mga basura ay mga bulok na gulay na mula sa mga vendor na nauna nang pinayagang maghanap-buhay sa kahabaan ng Ylaya Street.
Kasunod nito ay ipinahayag ni Mayor Isko na kaniya nang tatanggalin ang mga vendor sa Ylaya Street dahil sa kabiguang mapanatili ang malinis na kapaligiran.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ni Mayor Isko ang mga vendor na kanilang mahigpit na ipinatutupad ang Ordinance No. 8572 o ordinansang ‘Tapat Ko – Linis Ko’ kung saan nakasaad na ang lahat ng mga taga-Maynila ay may mandatong panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kanilang komunidad. — ulat ni Aya Yupangco
REMINDER: The Manila City government is STRICTLY IMPLEMENTING Ordinance No. 8572 or the “Tapat Ko – Linis Ko” Ordinance which mandates all Manilenos to maintain cleanliness and orderliness in their communities.#AlertoManileno pic.twitter.com/KgqwM5hJJn
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) November 11, 2019