Nagkaisa ang mga senador sa pagsusulong ng pagbuo sa Department of Disaster Resilience.
Ito ay matapos simulan ng Senate on National Defense and Security ang pagtalakay sa panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang ahensiya ng pamahalaan na hahawak sa pagtugon sa lahat uri ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng komite, isinusulong ang nabanggit na panukala dahil sa mabagal na pagtugon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga tumamang sakuna sa bansa tulad ng Yolanda, Marawi siege, at mga lindol.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na nagtuturuan pa ang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa relief at rehabilitation program sa halip na tutukan ang agarang pagresponde sa mga biktima.
Samantala, nangako naman si Senador Christopher Bong Go na kanyang hihilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang kanyang panukalang batas naglalayong bumo ng Department of Disaster Resilience.