Pinamamadali ng dalawang komite sa Kamara ang pag apruba ng plenaryo sa panukalang pagtatayo ng Department of Water Resources.
Una nang inaprubahan sa joint hearing ng House Committee on Government Reorganization at House Committee on Public Works and Highways ang 35 substitute bills sa DWR na siyang magiging pangunahing ahensyang mamamahala sa water resources ng bansa.
Mapapasailalim ng DWR ang MWSS, Local Water Utilities Administration, ILDA, Pasig River Rehabilitation Commission at National Irrigation Administration.
Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na tinitiyak ng panukala na magiging epektibo ang implementasyon ng mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 9275 o Water Code of the Philippines at pagsunod sa code of sanitation of the Philippines.
Ang National Water Resources Board ang magiging core organization nito habang bubuo rin ng isang independent regulatory at quasi-judicial body na tatawaging Water Regulatory Commission na magsisilbing attached agency ng DWR. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)