Positibo si House Speaker Alan Peter Cayetano na mas maagang maisasabatas ang panukalang 4.1 trillion peso national budget para sa susunod na taon.
Ito, ayon kay Cayetano ay para magkaroon pa ng panahon ang Kongreso na maaksyunan ang mga nakabinbing panukala bago ang session break sa December 18.
Susundan aniya ng mga kongresista ang timeline ni Senate Finance Committee Chair Sonny Angara na isagawa ang budget Bicam sa huling linggo ng Nobyembre at target itong mai transmit sa Office of the President sa December 5 para makagawa pa ng ibang accomplishments ang mga mambabatas sa natitirang session days bago ang holiday break. — ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)