Posibleng hindi na kailangang palawigin pa ang martial law sa Mindanao sa ika apat na pagkakataon.
Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac, maaari nang tanggalin ang martial law sa rehiyon dahil kontrolado na ang peace and order dito at mababa na rin ang bilang ng mga krimen sa area.
Kontrolado na rin aniya ang dami ng mga nakukumpiskang iligal na armas at inaasahang mananatili ito sa mga susunod na panahon.
Sakaling alisin ang Mmartial law, sinabi ni Banac na mananatili lamang ang alerto ng PNP sa Sulu o sa mga lugar kung saan mayroong hinihinalang presensya ng mga rebeldeng grupo.
Ipinabatid ni Banac na magsusumite sila ng rekomendasyon sa Palasyo sa susunod na buwan kung dapat pang palawigin ang batas militar sa Mindanao. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)