Ito ayon kay Primitivo Cal, isang transportation engineering and construction consultant, ang sagot sa transportation crisis sa Metro Manila.
Sinabi ni Cal na patuloy ang pagdami ng mga commuters subalit kulang naman ang public transportation para sa mga ito.
Inihayag naman ni Regin Regidor, Professor sa National Center for Transportation Studies sa University of the Philippines (UP) Diliman na bagamat mayruong iba pang pubic transportation tulad ng bus, jeep, tricycle at pedicab, ang pagsakay pa rin sa isang pribadong kotse ang maituturing na flexible option sa pagpunta sa isang lugar mula sa isa pang lugar.
Patuloy aniyang tumataas ang bentahan ng mga kotse taun-taon subalit kulang naman sa road networks kayat maituturing itong malaking mismatch.