Magpapatupad ng ‘stop-and-go’ scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA para sa isasagawang simulation ng opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games bukas.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, maaaring magsimula ito ng alas-2 ng hapon na tatagal hanggang rush hour.
Aniya, asahan na ng mga motorista ang delay sa daloy ng trapiko dahil manggagaling ang mga convoy sa iba’t ibang lugar, papunta sa EDSA hanggang sa Philippine Arena sa Bulacan.
This will somehow delay the traffic, kasi gagawin po ito mga 2:00, that’s the time that were given to us, pero alam niyo naman po ‘yan hindi po talaga on the dot ‘yan, so, we might have delay. It could be between 2PM to rush hour or so, baka umabot ng 3 yan or 4,” ani Nebrija.
Sa ngayon ay hinihingi ng ahensya ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng publiko para maayos na maisagawa ang simulation.
This is a national event, this is a national pride, we’re hosting the SEA Games para sa atin lahat po, karangalan po ng ating bansa na mag-host n’yan. Magtulungan tayo, para sa ating lahat naman ito, pakikipagtulungan at cooperation po ng bawat isa ang hinihingi namin. Kapag dumadaan po yung contingent mag-give way lang po tayo kung nandyan po tayo sa EDSA,” ani Nebrija. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.