Itinalaga ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Councilor Vicky Mabulay bilang acting Mayor ng San Sebastian, Samar.
Ito ay sa gitna ng leadership dispute at legal issue na kinakaharap ng elected Mayor at Vice Mayor ng naturang bayan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dahil sa kinakaharap na isyu ng dalawang mataas na opisyal ng San Sebastian ay itinalaga ang top Councilor nito upang pansamantalang mamuno.
Una nang dinisqualify ng Office of the Ombudsman sa pagtakbo sa kahit anomang pwesto si Mayor Arnold Abalos noong 2013 matapos na mapatunayang guilty ito sa hindi pagre – remit sa kontribusyon ng mga empleyado ng munisipyo sa GSIS.
Ngunit nagawa pa nitong tumakbo at manalo noong nakaraang eleksyon kaya nagpalabas naman ng desisyon ang DILG Eastern Visayas na palitan sa pwesto si Abalos ni Vice Mayor Eleuterio Mabao.
Ngunit nagkaroon ng apela ang magkabilang panig sa Korte.