Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng eyeglasses subsidy para sa mga senior citizen at mga kabataan.
Ayon kay DOH prevention of blindness program head Maria Sylvia Uy, inatasan ng ahensya ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maglaan ng tig-500 bawat pasyente para sa kanilang mga salamin.
Aniya, oras na magpatingin ang isang pasyente at nakitang may komplikasyon sa panigin katulad ng nearsightedness, farsightedness at astigmatism ay agad itong papupuntahin sa isang accredited optalmologist.
Magugunitang nasa halos 400,000 indibidwal sa Pilipinas ang may problema sa paningin ang hindi nagagamot.