Tinatayang P3 Milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang hinihinalang babaeng pusher sa Dumaguete city
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Undersecretary Arturo Cacdac na ang suspek na si Josephine Cabasag ay isang listed drug personality.
Samantala, isa pang hinihinalang drug pusher na nakilalang si Roberto Lamberte ng Bohol ang dinampot ng mga otoridad matapos magbenta ng 2 sachet ng shabu sa isang PDEA agent na nagpanggap na buyer.
By: Judith Larino