Proud na proud ang kapuso actress na si LJ reyes matapos manalong Best Actress sa 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Russia nitong nakalipas na September 18.
Ito ay sa pamamagitan nang magaling niyang pagganap sa karakter ni Emma sa pelikulang sa likod ng buwan.
Kahapon lamang napasakamay ni LJ ang kaniyang trophy at certificate mula mismo kay Director Jun Lana, ang nanalo bilang best director sa nasabing film festival sa kaparehong pelikula.
Sinabi ni LJ na nanghihinayang siya dahil hindi niya personal na tinanggap ang kaniyang award na patunay na nagbunga rin ang kaniyang pinaghirapan sa pelikula lalo na ang 10 minutes love scene nila ng aktor na si Luis Alandy.
Nagpasalamat din si LJ sa mga sumuporta sa kaniya sa nasabing pelikula.
By: Judith Larino