Hindi sa ibang bansa manggagaling ang solusyon sa ilegal na droga.
Ito ang paniniwala ni Senador Koko Pimentel matapos makipagpulong si Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng embahada ng Estados Unidos para pag-usapan ang kampanya kontra droga.
Ayon sa senador, maganda ay kung gagawing bahagi ng research ang mga ideya mula sa Estados Unidos, ngunit kailangan ding tingnan ang sitwasyon ng droga dito.
Magaling na nakikinig tayo sa mga Amerikano kung gusto nila tayong tulungan, pero tingnan din natin ‘yung bansa nila kasi hindi naman nila nasolve ‘yung drug problem nila, marami rin silang drug problem,” ani Pimentel.
Sa huli iginiit pa rin ni Pimentel na ang pagkaka-isa ng mga Pilipino at international communities ang tanging solusyon para tuluyan nang maglaho ang problema sa ilegal na droga.
Sa ‘war on drugs’ kailangan nating magtulungang mga Pilipino, ‘yung international community, magtulungan,” ani Pimentel. — sa panayam ng DWIZ Connect