Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Batay sa executive order number 93, ililipat ang mga tungkulin ng PRRC sa ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Manila Bay Task Force, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Human Settlements and Urban Development at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pinatitiyak sa DENR na naipatutupad ang iba’t ibang environmental law upang maibalik ang dating ganda at kalinisan ng ilog Pasig.
Habang sa human settlements and urband development inatas ang relocation ng mga informal settlers sa paligid ng Pasig River habang ang dpwh ang magtitiyak na mai – aalis ang mga istruktura at obstructions sa paligid ng ilog.
Una nang sinabi ng Pangulo na dapat nang buwagin ang PRRC at gamitin na lamang ang pondo nito upang ipambili ng mga gamot at pagkain para sa mga Pilipino.