Nagpapatuloy ang Tropical Storm Ramon sa paggalaw patungong hilaga hilagang-kanluran ng Philippine sea.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
May lakas ito ng hanging aabot sa 65 km/h (kilometro kada oras) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Samantala, tinanggal na ang Signal no. 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay.
Ibinaba naman sa Signal No. 1 mula sa dating Signal No. 2 ang lalawigan ng Catanduanes; kabilang ang Cagayan (Peñablanca at Baggao), Isabela (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), at Polillo Island.
Dahil dito, asahan ang mahina hanggang katamtamang ulan na may pabugso-busong malalakas na ulan ang mararanasan sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, Northern Aurora, Polillo Islands, at Bicol Region ngayong Biyernes, Nobyembre 15.
Binalaan naman ng Pagasa ang mga mangingisda na delikado ang pag byahe sa karagatan ng mga nabanggit na lugar.