Naibalik na sa kaniyang mga magulang ang sanggol na kinuha ng kaniyang yaya sa Taguig City.
Sa kaniyang pagsasauli sa sanggol na nagngangalang Taylor sa mga magulang nito, humingi ng paumanhin ang yaya na si Kristine Joy Salik na nagsabing uuwi na sana sila ng sanggol subalit natakot siya dahil kumalat na ang balitang tinangay niya ang bata.
Ayon pa kay Salik, pinayagan siya ng lolo ni baby Taylor na ipasyal ang sanggol sa mall, na itinanggi naman ng kaanak ng biktima.
Nabatid na kakasuhan pa rin ang yaya sa kabila nang paghingi nito ng sorry sa mga magulang ni baby Taylor.
Si Salik ay wala pang isang linggong namamasukan bilang yaya sa nasabing pamilya.