Nanindigan ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na inaaksyunan na nila ang mga nararanasang pagbaha sa lungsod.
Ito ay matapos lumabas sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang Espanya Boulevard ang tinaguriang “most easily flooded road” sa Metro Manila.
Ayon kay Manila City Engineer Armand Andres, sinasabayan nila ng declogging ng mga drainaige systems ang kanilang mga clearing operations.
Aniya, nakikipag tulungan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasakatuparan ng mga declogging operations, partikular na sa mga national roads.
Magugunitang inihayag ng MMDA na basura pa rin ang nangungunang sanhi ng pagbaha sa Metro Manila.