Hinahanap na ni Senador Ralph Recto ang katibayan na nagtanim ng higit 1-M puno ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nakalipas na walong taon.
Ayon sa senador, dapat ay ilabas na ang mapa ng National Greening Program (NGP) kung saan makikita ang lahat ng puno na naitanim ng ahensya.
Dagdag pa nito, nasa halos P39-B ang inilaang budget para sa NGP mula pa noong 2011.
Sa ngayon aniya ang tanging hawak nila ay mga reports at datos at wala silang nakikitang gubat o kahit man lang mga puno.
Giit pa ng senador, kailangan makita nila kung tagumpay nga ba ang proyekto bago maaprubahan ang nakalaang pondo para dito sa susunod na taon.