Pinapurihan ng World Health Organization (WHO) ang pagsusulong ng Pilipinas na buwisan ang mga alak, sigarilyo, matatamis na pagkain at iba pa.
Ayon sa WHO ang paraan ng Duterte Administration para maiiwas sa non–communicable diseases at unhealthy lifestyle ng mga Pilipino ay mura at cost-effective.
Anila, ang pagsisikap na mabuwisan ang mga sin products ay nagbibigay ng napakalaking kapakinabangan sa mga mamamayan dahil popondohan naman nito ang Universal Health Care.
Lumabas ang report ng WHO kasunod ng pagsusulong ng Department of Finance at Department of Health para maipasa ang Senate Bill Number 1074 na itinataas ang buwis na ipapataw sa mga alak, sigarilyo at e-cigarettes.