Tumataas ang bilang ng mga lalaking nakararanas ng domestic violence o pang-aabuso mula kanilang mga asawang babae sa buong mundo kabilang na rin sa Pilipinas.
Batay sa pag-aaral umaabot sa 24% ng mga kalalakihan sa buong mundo ang nagiging biktima ng pag-abuso mula kanilang mga asawa.
Sinasabing, karamihan sa mga ito ang nakararanas ng physical at emotional abuse gayundin ng pangangaliwa.
Magugunitang, isinusulong ni Rizal 2nd District Representative Fidel Nograles ang pagrepaso sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at gawing Anti-Violence Against Partners.
Sa ganitong paraan aniya, mabibigyan ng proteksyon mula sa mapang-abusong relasyon hindi lamang ang mga kababaihan kundi maging ang mga kalalakihan.