Isinusulong ni Congressman at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando na mabigyan ng kapangyarihang gumawa ng sariling ordinansa ang MMDA.
Ayon kay Fernando, isa sa nakikita ng nyang problema ay ang sistemang ‘kanya-kanya’ ng mga local government units (LGUs) tulad na lamang ng sa mga regulasyon sa trapiko at ticketing system.
Sa ilalim ng panukala ni Fernando, bibigyan ng kapangyarihan ang 17 miyembro ng Metro Manila Council na binubuo ng Metro mayor para gumawa ng ordinansa.
Ang mabubuo anyang ordinansa ay ipi-prisinta ng mga mayors sa kani -anilang konseho upang pagbotohan ng simpleng ‘yes’ or ‘no’.