Hindi katumbas ng ranggo ng cabinet secretary ang ibinagay na posisyon kay Vice President Leni Robredo bilang anti-illegal drug czar.
Ito ang inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang panayam sa telebisyon matapos italaga ang bise presidente bilang co-chairman ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) noong Oktubre 31.
Paglilinaw ng pangulo, hindi miyembro ng kanyang gabinete si Robredo dahil hindi aniya ito inilagay sa isang cabinet level na posisyon.
Samantala sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nasa pagpapasiya na ni Pangulong Duterte kung itatalaga si Robredo sa isang cabinet position maliban sa tungkulin nito bilang anti-illegal drug czar.