Nanganganib na maging pandaigdigang krisis ang kakulangan ng tubig.
Ayon kay Torgny Holmgren, executive director ng The Stockholm International Water Institute, sa ngayon ay may kanya-kanyang krisis sa tubig na nararanasan ang maraming bansa mula sa Middle East hanggang Asya at Latin America.
Lahat anya ng mga lokal na problema sa tubig na karaniwang bunga ng paglobo ng populasyon at climate change ay patungo na sa pagkakaroon ng global crisis.
Sinabi ni Holmgren na malaking hamon ang kakapusan ng tubig sa mga pamahalaan dahil nakatali rin sa pulitika ang access at distribusyon ng tubig.
Halimbawa umano sa North Africa kung saan nabibigyan ng ginhawa ang mga magsasakang tinamaan ng tagtuyot dahil sa bomba ng tubig na pinatatakbo ng solar o araw subalit bumabagsak naman ang bentahan ng diesel na ginagamit sa irrigation pumps.