Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na “cauldron” na gagamitin sa o Southeast Asian (SEA) games.
Sa presscon sa Malacañang, sinabi ng pangulo na naniniwala siyang walang iregularidad na naganap sa preparasyon para sa SEA games.
Aniya ang cauldron na nagkakahalaga ng mahigit P50-milyon ay dinisenyo ni National Artist for Architecture Francisco Bobby Mañosa.
Giit ng pangulo walang magagawa ang gobyerno kung ganito ang nais na singil ng isang artist para sa kaniyang pinaghirapang produkto.
Una rito, kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang presyo ng cauldron at tinawag itong unnecessary extravagance.
It is a product of the mind. You cannot estimate how much na lugi ka because it is the rendition of the mind of the creator,” ani Pangulong Rodrigo Duterte