Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin n’ya sa harap ni Vice President Leni Robredo ang isang dayuhang human rights advocate dahil sa tweet nito kontra sa giyera kontra droga ng administrasyon.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Phelim Kine na handa na s’yang magtungo ng Pilipinas upang magbigay ng payo kay Robredo kung paano tatapusin ang anya’y murderous drug war ng Pangulong Duterte.
Inirekomenda rin ni Kine ang pag-aresto kay Duterte at mga tauhan nito dahil sila aniya ang nasa likod ng mass murder sa Pilipinas.
Sa kanyang press conference, sinabi ng Pangulo, kung ganon magsalita ang mga iimbitahin ni Robredo sa Pilipinas ay sasalubungin nya ito ng sampal sa harap mismo ng Pangalawang Pangulo.
Ayon sa Pangulo, nagagalit sya sa kanyang mga kritiko dahil hindi s’ya nabibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag na hindi sinasang ayunan ng pamahalaan ang extrajudicial killings.