Apektado ng bagyong Ramon ang halos 7,000 residente sa Cagayan.
Ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may kabuuang 6, 943 katao ang apektado o katumbas ng 2,678 na pamilya.
Mahigit 5,000 mga residente mula sa mahigit 100 mga barangay ang nanatili pa rin sa 112 evacuation centers.
Maswerte namang walang napaulat na nasaktan o nasawi sa Cagayan sa pananalasa ng bagyo.