Bumilis pa ang Bagyong Sarah, napapanatili nito ang lakas habang ang Bagyong Ramon ay humina at isa na lamang Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Sarah kaninang 4 PM sa layong 540 km silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan.
Batay sa ulat, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h. Ito ay kumikilos sa bilis na 30 km/h pa hilaga, hilagang kanluran.
Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:
-Northeastern portion of Cagayan
(Gattaran, Lal-lo, BuGuey, Gonzaga, Sta. Ana at Calayan)
-Babuyan Island
-Batanes