Unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Cagayan matapos ang pagtama ng bagyong Ramon.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nakakabalik na ang mga evacuees sa kani kanilang bahay.
Dagdag pa ng gobernador, inaalam pa rin ang kabuuang halaga ng pinsala sa lalawigan.
Kinukumpuni po namin ngayon ang mga damages, sa crafts namin, sa structure, properties po kasi may mga bahay din (na nasira). Ito lahat po ay kinukumpuni namin para kahit papano ay makahingi kami ng tulong lalung-lalo na para sa mga farmers namin,” ani Cagayan Governon Manuel Mamba.
Sa ngayon ay muling naghahanda ang lalawigan para sa pagtama naman ng bagyong Sarah.
Eto na pe-prapare na namin kami kasi baka expected na pagdating dito sa amin (ng bagyong Sarah) ay sa Friday morning (Nobyembre 22),” dagdag pa ni Mamba.