Mahigit sa 260 kilo ng ‘botcha’ o double dead na karne ng baboy ang nasabat sa isang pamilihan sa Maynila.
Ayon kay Doctor Nick Santos, hepe ng Manila Veterinary Inspection Board, parang mga ribs part ng baboy na may iba nang amoy at kulay ang kanilang nakumpiska.
BREAKING: Manila City government meat inspectors on Thursday morning, November 21, seized about 263.3 kilograms of pork ribs suspected to be “botcha” during a routine inspection at New Antipolo Market in Blumentritt.#AlertoManileno pic.twitter.com/hCVETBYOwf
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) November 21, 2019
Kasabay nito, binalaan ni Santos ang lahat ng nagtitinda ng baboy laban sa pananamantala sa pamimili lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Ang pagbebenta anya ng ‘botcha’ ay paglabas sa food safety act at meat inspection code of the Philippines.