Hindi maaaring puwersahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Regent Foods Corporation na i-atras ang mga kasong isinampa laban sa 23 katao dahil sa umanoy kaguluhan sa isang strike.
Sinabi ni DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na nirerespeto nila ang posisyon ni Sotto subalit ang kaso ay naisampa na sa korte kaya’t wala na ito sa mandato ng alkalde.
Ang maaari aniyang maitulong ni Sotto ay magbigay ng legal assistance at hilingin sa Public Attorneys Office na katawanin ang mga nasabing manggagawa at hindi i-pressure ang isang partido na ibasura ang naisampa nilang kaso.
Binigyang diin pa ni Malaya na dapat na maging neutral o walang pinapanigan ang mga alkalde na naharap sa mga ganitong sitwasyon.
Kasabay nito hinimok ni Malaya ang Department of Labor and Employment na manghimasok na sa usaping ito.