Napapanatili ng Tropical Storm Sarah ang lakas nito habang patungong hilaga.
Huling namataan ng pagasa ang sentro ng bagyong Sarah sa layong 275 kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang hanging may lakas na aabot sa 110 km/h (kilometro kada oras) malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 135 km/h.
Dahil dito, nakatas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Batanes.
Makakaramdam din ng malalakas na hangin ang Babuyan Islands ngayong Biyernes, Nobyembre 22, dahil sa Northeast Monsoon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Sarah bukas ng umaga, Nobyembre 23.