Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang dry run sa phase 1 operation ng ferry boat na bibiyahe mula Cavite patungong Metro Manila sa unang linggo ng Disyembre.
Ayon sa DOTr, layunin nitong makatulong na maibsan ang nararanasang mabigat na trapiko ng mga bumibiyahe mula Cavite patungong Metro Manila.
Sa ilalim ng phase 1, bibiyahe ang mga ferry boat sa Metro Star Ferry Terminal sa Cavite City Hall at Sangley Port patungong SM MOA Ferry Terminal at CCP Port.
Habang sa phase 2 naman ang biyahe ng mga ferry boat Metro Star Ferry Terminal sa Cavite City Hall at Sangley Port Patungong Escolta Manila at Lawton Ferry Terminal.