Pumapalo na sa mahigit 31,000 kilo ng mga imported na karne at meat products ang naharang at kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport simula noong Enero.
Ayon sa BOC, walang mga kaukulang permit at clearance ang mga nabanggit na imported meat at meat products na dala ng mga pasaherong mula sa mga bansang napaulat na apektado ng ASF o African Swine Fever.
Pinakahuling nasabat ng BOC ang mahigit 23 kilo ng karne ng baka na walang kinauukulang permit mula sa isang pasahero na nanggaling ng Estados Unidos noong Novemebr 20.
Dagdag ng BOC, kasama nila sa mahigpit na pagmomonitor sa mga pumapasok na karne mula ibang bansa ang Bureau of Animal Industry at Food and Drug Administration (FDA).